Aktres, Nagbabalak Mag-Ober Da Bakod

ADVERTISING

PINAG-AARALAN PA NG isang aktres kung susunggaban niya ang offer ng isang istasyon para lumabas sa isang soap. Malaking balakid kasi ang trabahong tinanggap niya sa kanyang mother studio, isang panandaliang horror-comedy at isang araw-araw na programa na kelan lang niya sinimulan.

Bagama’t ang manager niya ay identified sa kabilang network, the ball is ultimately in her hands, whether or not manatiling nagtatrabaho sa kasalukuyang istasyon.

ADVERTISING

Pero hindi maiaalis ng aktres na ito ang labis na panghihinayang over an unrealized career opportunity lalo pa’t ang kanyang mister, also a singer, is part of a huge, stellar production in the rival network. Both she and her husband have the same manager.

Gets n’yo na kung sino sila?

(By Ronnie Carassco)

ADVERTISING
ADVERTISING