Aktres, nag-bobita banana sa isang pictorial!

ADVERTISING

ALIW NA ALIW kami sa kuwento ng isang artista. Nagpiktoryal kasi sila para sa isang teleserye. So isa-isa ang piktoryal.
Tapos, nu’ng turn na ng bidang babae (na, kung anu-anong expression ng mukha ang ipinagagawa ng photographer)…
“Ok, smile!” smile naman ang aktres.
“Ok, serious this time!” sumeryoso naman ang face ng aktres.
“Ok, this time, show some fierce!”
Nalokah ang photographer. Ang inaasahan niya kasi, punum-puno ng galit ang mukha ni Aktres na mukhang “maliit” ang “apelyido.” Kaso, ‘yung face ng aktres, punumpuno ng takot!
“No, show me some fierce!”
“’Eto na nga,” nagpakita na naman ng mukhang punum-puno ng takot ang aktres.
Lihim na nagtawanan ang ibang kasama sa pictorial, dahil noon lang nila na-realize na iba pala ang pagkakaintindi ng aktres sa “fierce.”
Galit na bakas sa mukha ang gustong makita ng photographer. Ang ginawa ng aktres, nagpakita ng mukhang punumpuno ng “fears.”
(By Ogie Diaz)

ADVERTISING