Aktres na talakera, maliit na bagay pinalalaki

ADVERTISING

BLIND ITEM: Kaawa-awa ang sinapit ng isang construction worker nang mapahiya makaraang talak-talakan ng isang sikat na aktres na dayo lang naman sa isang probinsiya sa Mindanao.

Nag-judge kasi ang aktres sa isang talent search doon. Lunch break nang magkainan ang buong production staff sa isang resto. Nakapuwesto ang buong grupo sa bandang gilid malapit sa entrance nito.

ADVERTISING

Tamang-tama namang siyang papasok ng isang construction worker mula sa ginagawang gusali sa tapat, at naaktuhan niyang kumakain ang aktres. Nang magtama ang tingin, tumayo raw ang aktres at pasigaw na nagdayalog ng, “At talagang itinaon mo pa ang pagpasok mo habang sumusubo ako, ‘di ba? Kailangang nakanganga pa ‘ko?!”

Natigilan na lang daw ang pobreng manggagawa. Maging ang kagrupo ng aktres ay nagtinginan na lang with the collective thought na, “Pati ba naman pagpasok ng isang walang kamalay-malay na tao, eh, big deal?!” sa aktres na itago na lang natin sa alyas na Mary Ann de Vera.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING
ADVERTISING