Aktres na nahuli sa droga, nakipag-one night stand sa colonel para ‘di lumabas ang balita

BLIND ITEM: Nalungkot naman kami sa kwentong nakarating sa amin. Matagal na ‘to. 2 years ago pa ang kuwentong ito. Nu’ng nahuli sa isang buy-bust operation ang isang aktres. Nahulihan ito ng droga.

Pero nabalitaan ba natin ito? Hindi po. News blackout ang nangyari.

Buti hindi ito kumalat?

“Eh, pa’no kasi, Ogie, ang nangyari. ‘Yung isang colonel na nangasiwa ng buy-bust eh, kinausap siya (si aktres). Na walang lalabas basta makikipag-one-night stand siya rito. Ipina-realize din daw ni colonel na ‘pag hindi siya bumigay eh, tiyak na sira agad ang kanyang career dahil matibay ang mga ebidensiyang hawak nila.

“Kaya ayun, alam na. Nailugso na ang puri ni Aktres. And tulad ng ipinangako, wala ngang lumabas.”

Moral of the story, ‘wag nang mag-drugs, dahil baka ‘pag nabuking-buking ka, eh juice ko po, ang choice mo lang diyan lalo na’t maganda ka eh, “pera o puri”?

‘Wag n’yo nang alamin kung sino ito. Dahil ayaw ng fans ng ganyan.

By Ogie Diaz