Aktres, lantarang magpasaring sa kapwa aktres

ADVERTISING

BLIND ITEM: Obvious na may “subtext” ang pautot ng isang aktres sa pag-alala sa isang napakahalagang okasyon para sa ating mga Pilipino.

Without going into the details na lantaran namang isang disimuladong pasaring sa isang kapwa niya aktres, kinukuwestiyon ng marami ang sinseridad ng kanyang gimik.

Bakit daw kinakailangan pang ianunsiyo ‘yon ng aktres? Na sa totoo lang ay walang iniwan sa noo’y pagresponde niya sa mga kababayan nating nangangailangan ng agarang tulong, pero may media coverage.

At ng isang batang may malubhang karamdaman na may kabuntot ding camera for all the world to know.

Ang ganda mo talaga, ‘Neng!

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING