Aktres, itinangging nakipag-sex siya sa isang papansing boldstar!

ADVERTISING

KINUNSULTA KAMI NG isang aktres. Na-shock daw siya sa mga tweets na nare-receive niya na nagtatanong kung totoong nakipag-sex siya sa isang papansing boldstar.

“Huh? Juice ko, ano ‘yon? Saan galing ‘yon?”

At oo nga, me mga tweets na nagsusumbong sa kanya na sa interbyu ng nasabing papansing boldstar ay nasabi nito sa isa ring papansing TV-radio host na nag-sex na si Boldstar at ang aktres.

Sabi namin kay Aktres, “Hayaan mo na. Nagpapakontrobersiyal lang ang dalawang ‘yon, dahil gustung-gusto nilang nagrereak ang mga tao sa kanilang pasabog.

“Deadma ka na lang,” sabi namin, “Pero ‘pag me nagtanong sa ‘yo, sabihin mo, ‘Hindi ko alam ‘yon. Sila ang nakaimbento no’n, sila ang magpaliwanag!'”

ADVERTISING

“Correct! Sige nga, ‘yan ang isasagot ko ‘pag me nagtanong. Ano kaya ang tinira ng mga ‘yon?”

Hahahaha!

‘Yun na!

(By Ogie Diaz)

ADVERTISING