Aktres, inggit na inggit sa mga Inglesereang aktres

ADVERTISING

BLIND ITEM: Ipinanganak na yatang kakambal ng isang aktres ang salitang “insecure”, kunsabagay, maganda lang siya. And that’s all there is to it.

Muli na naman kasing sumiklab ang pagkaimbiyerna niya—arising from her innate insecurity—kamakailan nang tumambad sa kanya ang mga larawan sa social media ng mga kapwa niya aktres wearing happy smiles, all of whom are Ingliseras.

ADVERTISING

Dahil wala naman siyang maituturing na totoong kaibigan sa showbiz to vent her anger, ang tinawagan niya ay isang empleyada ng network para magsumbong, “Tingnan mo, nagsama-sama na naman ang mga hitad!”

Yes, ang salitang “hitad” ang eksaktong terminong ginamit ng aktres na malinaw na dinapuan ng sakit worse than Ebola virus, ang tinatawag na persecution complex. Of course, such phrase sounds Greek to this dim-witted actress na itago na lang natin sa alyas na Rhian Minerva.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING
ADVERTISING