Aktres, humingi pa ng extension para sa show na flop sa ratings

ADVERTISING

BLIND ITEM: This is a follow-up to our item last Monday tungkol sa isang aktres whose weekly show will soon find itself buried in the pages of TV history sa pag-ere lang sa loob ng isang season, considering her stature.

Mid-September ay balita kasing sisibakin na ito sa ere, and apparently, the culprit is its dismal ratings.

But she need not worry, dahil may iniaalok na raw ang kanyang home network na isang bagong palabas in the tradition of ABS-CBN’s Please Be Careful With My Heart. However, the idea does not sit well with the actress.

Reportedly, humingi siya ng extension mula sa istasyon para sa kanyang show—na ayon sa aming mga katrabahong nakakatisod nu’n by accident, she has nothing new and exciting to offer except for her wardrobes.

But once she gets the bargain ay iibahin ang format ng show, which will be transformed into a contest of sorts. Kapag nagkataon, ano na lang ang silbi roon ng “tituladong” aktres na ‘yon, mag-deliver ng intro at extro spiels?

ADVERTISING

Again, ang masasabi namin… he who laughs last laughs best and loudest!

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING