Blind Item: Aktres, dinenay na lulong ang asawang pulitiko sa droga

SA halip na ipagtanggol, mas pinili na lang huwag sagutin ng isang aktres ang kumakalat na tsikang nagugumon umano sa droga ang kanyang asawang pulitiko.

Personally, hindi ko mapaniwalaan ang sana’y tsismis lang na ‘yon. Kung kelan naman kasi “thunder” (matanda, gagah) na ang dyowa ng aktres ay saka pa ito nagbisyo. Maano ba namang tuklasin na lang ng pulitikong ‘yon kung paano niya mapupuruhan ang dyowang aktres nang magka-baby na sila, ‘no!

Besides, kung ang pagbabatayan ay ang nakamulagat na mga mata ng pulitiko para sabihing adik siya, susme, noon pa naman ‘yon, ‘no!

by Ronnie Carasco