Aktres, ‘di totoong inaalagaan ng home network

ADVERTISING

BLIND ITEM: Totoong hindi pinababayaan ng isang TV network ang isang aktres, for which grateful naman ang huli.

Pero hindi naman lubos-maisip ng manager ng aktres na ‘yun daw ba ang sinasabing pag-aalaga ng istasyong pinaglilingkuran nila?

ADVERTISING

“’Day, may ibibigay na project daw sa alaga ko. Bale TV version ‘yon ng isang pelikula ng Viva Films. So, nakipag-meeting naman ako. ‘Day, nu’ng inilatag sa akin ‘yung kuwento na to think, eh, remake na nga, tae-tae ang pagka-present! Entonces, inayawan ko!” kuwento ng manager.

“At ‘Day, ang hindi ko ma-take, sa hapon ipalalabas! Eh, galing na ng primetime (block) ang lola mo, tapos, isasaksak mo siya sa hapon?” himutok pa ng manager ng aktres na itago na lang natin sa alyas na Valentina Romantico.

By Ronie Carrasco

ADVERTISING
ADVERTISING