Aktres, baby sitter ang trabaho sa ibang bansa?!

ADVERTISING

HINDI LANG PALA ang isang premyadong aktres ang sinasabing may odd job sa abroad, kung saan siya naka-base ngayon.
Natsitsismis din palang may odd job din ang isang aktres na ilang taon pa lang nawawala sa bansa. Ang tsika, nagtatrabaho na rin daw bilang babysitter ang aktres ngayon.
Ang alam namin ay working in an office ang aktres. Nasa corporate world pa nga siya kaya naman afford pa rin niya ang manamit nang sosyal. At lagi pa rin niyang carry ang mga signature bags niya.
Well, sabi sa isang website, isang babysitter na nga raw ang aktres na ito. True ba itetch?
Kung true man, wala namang masama dahil marangal naman na hanap-buhay iyan. At isa pa, per hour ang bayad sa ganyang trabaho kaya nakasisiguro kaming malaki ang kinikita ng aktres kung ‘yan nga ang kanyang trabaho.
Baka naman sideline lang niya ang pagba-babysit, hindi kaya?
(By Alex Brosas)

ADVERTISING