Aktres, allergic sa pagpapapiktyur sa fans

ADVERTISING

BLIND ITEM: May kung anong nagnanaknak na skin allergy na yata ang dumapo sa buong katawan ng isang sikat (pa rin ba?) na aktres sa tuwing may mga gustong magpapiktyur sa kanya.

In her recent TV guesting, dumayo pa sa studio ang ilang staff ng sister radio station ng network politely requesting for a group photo taken with the actress. When told, she flatly refused pero nang malaman niyang nasa iisang istasyon lang sila ay pumayag na rin siya.

ADVERTISING

The actress gamely posed with the group like a firing squad, kaya nagbilang na ang kukuha ng litrato: “Okay, one… two…” Pero hindi pa man daw sumisigaw ng, “Three!” ang picture-taker, umalis na sa puwesto ang aktres leaving the group embarrassed, if not insulted.

Kunsabagay, kilala naman talaga sa pagiging ill-mannered at walang breeding ang aktres na ito na itago na lang natin sa alyas na Vera Marasigan.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING
ADVERTISING