Aktres, ‘di malimutan ang pagbawi ng ex-BF na aktor regalong necklace!

ADVERTISING

MEDYO ACTIVE NA naman ngayon ang isang actor na noong bata pa ay sadya namang nagpakita ng kagalingan sa pag-arte kasabay ang isang premyadong aktres na ngayon ay isa nang politiko sa isang bayan sa South.
Sa kanyang interview ay natanong sa kanya ang dati niiyang girlfriend na aktres na dyowa ngayon ng isang hunk. Sabi ng actor ay may natutunan naman siya sa kanyang ex-girlfriend.
Actually, baka ang aktres ang may natutunan sa actor. Noong mag-break kasi sila after so many years of being together ay binawi ng actor ang necklace na regalo niya sa aktres. Talagang hindi malimutan iyon ng aktres. Imagine,
nagka-boyfriend siya na Indian-giver.
Ang nakakaloka pa, iniregalo ng actor ang necklace sa kanyang nililigawang babae noon.
Sinex ang actor? Well, ang name niya ay cute at ang apelyido niya ay kilalang-kilala dahil inihalal siya noong nakaraang eleksyon. Get’s n’yo na?

(By Alex Brosas)

ADVERTISING