Aktor, naduwag magpainterbyu sa host-actress na kaalitan ng dyowang aktres

ADVERTISING

BLIND ITEM: In so many ways ay hanga kami sa aktor na ito, but why our admiration was instantly reduced to rubble ay dahil sa kawalan pala niya ng tapang to bravely face a sensitive issue involving her showbiz girlfriend.

Swak sana ang konseptong naisip ng isang palabas: isang controversial host-actress ang mag-iinterbyu sa kanya. While the public is fully aware that there exists a silent feud between the actor’s girlfriend and the host-actress, eh, ano naman?

Hindi naman sangkot ang aktor na ‘yon sa alitan ng dalawang babaeng ‘yon? Kaso, sa papel lang naging maganda ang konseptong ‘yon after the actor’s downright refusal to be interviewed by the host-actress.

Personal niya kayang desisyon ‘yon, o hindi siya pinayagan ng kanyang nobya? Hindi ba nakita ng magnobyong ito ang sinseridad ng TV host-actress when the latter even sent them an invitation to her recent “artistic event” as a peace offering?

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING
ADVERTISING