Aktor, na-take home ng singer-actress matapos dumalo sa party – Ronnie Carrasco

Aktor, na-take home ng singer-actress matapos dumalo sa party - Ronnie Carrasco

Aktor, na-take home ng singer-actress matapos dumalo sa party - Ronnie CarrascoANGKOP NA BANSAGANG “Takehome Queen”  ang singer at part-time actress na ito na kamakailan ay um-attend ng isang showbiz party. But when you thought she could be labeled  as such for bringing lotsa lotsa food, nagkakamali kayo, ‘no!

“Human food” lang naman ang iniuwi ng hitad, na kahit walang kasamang kanin – steamed, garlic, shanghai or java – ulam na! Ang da who ang guy na “kinain” ng singer-part-time actress na ito, na nilantakan niya sa loob ng dalawang araw?

Eto ang mga clue: he’s now separated from his actress-wife, nagkaroon ng relasyon later sa isang sexy actress until he had an affair with a singer-actress already separated from her singer-husband. What’s more, ang actor na ito has two siblings active in showbiz.

And as to the identity of this instant partner at the party, isa man siyang mang-aawit, hindi niya naging piyesa ang mga awiting “Mandy,” “I Write The Songs,” “Somewhere Down The Road,” “Copa Cobana,” among others.

Definitely, her name is not Lola. Age-wise, she’s close to being one.

THE WEEK ISN’T over yet kung inaabangan n’yo pa rin ang tinatawag na 5Max Movies ng TV 5 pagpatak ng alas nuwebe ng gabi.

Catch Wild Things3: Diamonds in the Rough tonight, at ang romance/action thriller na Angel Eyes starring Jennifer Lopez bukas, Biyernes. Alas nuwebe y medya naman ang Weekend ng TV 5 na The Rundown on Saturday at A League Of Their Own sa Linggo.

Never to be missed din ang Vic Sott-hosted na Who Wants To Be A Millionare? kung saan ang Survivor host na si Paolo Bediones tries to do his darnest best this Saturday. Maka-survive kaya siya sa mga tanong para itayo ang kanyang alma mater na Ateneo de Manila?

To borrow Vicky Morales’ show on GMA… wish ko lang!

PUWEDE NA RAW tumabi-tabi ang pelikulang Sigaw as the most horrifying local film in the “scare genre.” Ang director nitong si Yam Laranas ang bumura rin ng naturang record via Patient X starring Richard Gutierrez and Cristine Reyes.

With this new career development ni ‘Chard, malampasan kaya niya ang papataas na expectations ng publiko sa kanya? After Patient X na co-produced ng kanyang Gutz Productions, what’s next?

Tulad ng alam ng lahat, ‘Chard rides with the Koreanovela craze as he topbills the Tagalized version of Full House. Kakaibang high din ito in his wide gamut of roles that he has done so far dahil isa itong romance comedy na hindi pa nagagawa ng actor.

Ah, basta, ang alam ng buong entertainment press, isang bonggang-bonggang Christmas treat ang naghihintay sa kanila. The whole Gutierrez family, after all, never fails to do a Santa Claus bilang paraan ng kanilang pasasalamat sa bonggang-bongga ring biyayang nagegetlak nila!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III