Blind Item: Aktor, may kakaibang “hilig” tuwing taping break

ADVERTISING

KARANIWAN na sa mga artista tuwing may shooting ng pelikula o taping ng TV show na makitang nagpapahinga o umiidlip sa tent o sa sasakyan kapag shooting o taping break. O ‘di kaya naman, kinakalikot ang kanilang phone para mag-update sa kanilang social media accounts.

Blind Item: Aktor, may kakaibang “hilig” tuwing taping break

ADVERTISING

Pero itong si Aktor, kailangan pa palang hagilapin ng staff ‘pag tapos na ang break at kailangan nang sumalang sa harap ng kamera. Paano naman kasi, tila nawiwili sa kanyang ginagawa ang aktor at halos wala na sa isip niya ang oras.

Ang chika, nang minsang hanapin umano ng staff si Aktor dahil kailangan na siyang isalang sa taping ng show na may mga batang involved, kasama ang isa pang staff, ‘di sinasadyang nadiskubre nila ang kinahuhumalingan nito.

Nang puntahan umano nila ang sasakyan ni Aktor, nasilip nila sa tinted na salamin ng kotse ang pinagkakaabalahan nito. Doon nila napagtanto ang kakaibang hilig ni Aktor.

ADVERTISING

Ano raw ang kakaibang hilig ni Aktor kapag taping break?

Ayon sa chika ng staff, hilig pala ni Aktor ang manood ng porn habang nagpapatay ng oras.

 

By Parazzi Boy

ADVERTISING