Akihiro Blanco, ‘di natapos ang high school dahil sa pag-aartista

Akihiro Blanco, 'di natapos ang high school dahil sa pag-aartista

Akihiro Blanco, 'di natapos ang high school dahil sa pag-aartistaBorn to a Japanese father mula sa Osaka, alam n’yo ba that 20 year-old TV5 artist Akihiro Blanco hardly speaks the language?

“Dito na po kasi ako ipinanganak at lumaki,” depensa ni Aki. Pero kung may namana man siya sa kanyang ama—including his mom—‘yun ay ang husay sa pagpapatakbo ng negosyo particularly running a resto-bar.

Sa kanilang family-owned acoustic bar sa Pasig, nadiskubre ng kaibigan ng kanyang ina ang binata back in 2013, “Tumutugtog din po kasi ako.” Little did Akihiro Blanco realize na ang kanyang pagsali sa Artista Academy—where he emerged as one of the runners-up—would pave the way for a showbiz career.

Ang nakalulungkot nga lang daw, “That time po, graduating na ako sa high school sa OB Montessori kaya undergraduate po ako. But I intend to continue my studies this year.”

So far, hindi naman daw siya nababakante in terms of projects not only sa kanyang home studio. “So far, I’m finishing my third indie movie ‘Footprints On the Moon,’ may mga scenes pa po kasi na kukunan sa Qatar.”

Sa bakuran naman ng TV5, Aki—kasama sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome—leads the cast of Wattpad Presents Ava! Maldita which airs this Saturday, 9 to 10:30 pm.

Now on its Season 6, ang dating mula Lunes hanggang Biyernes na 30-minute show based on a popular romance book hits its loyal viewers every Saturday.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III