AJ Raval umamin na tungkol kay Sean de Guzman: ‘Everyday text po bago matulog’

Leo Bukas

NAPAAMIN si  AJ Raval sa digital presscon ng comedy film na Shoot! Shoot! (Di Ko Siya Titigilan) sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Sean de Guzman. Si Sean ang  leading man ni AJ sa pelikulang Taya na prinodyus ng Viva Films at idinirek naman ni Roman Perez Jr.

Sila na ba talaga ni Sean?

AJ Raval umamin na tungkol kay Sean de Guzman: ‘Everyday text po bago matulog’
AJ RAVAL

“Grabe naman ‘yung tanong. Kami po ni Sean siguro in character lang po kami before kaya sobrang sweet namin. Pero ngayon po wala naman po kaming relationship o commitment. Friends po kami,” paliwanag agad ng dalaga.

Sa tanong kay AJ kung lumalabas ba silang dalawa ngayon na magkasama, ang sagot niya ay hindi naman daw.

“Ngayon po hindi po masyado, ang huling kita po namin pictorial din po ng Taya,” tugon pa niya.

Bagama’t hindi sila lumalabas ni Sean ngayon dahil nga nasa quarantine status pa ang bansa ay madalas naman daw silang nag-uusap ng binata gabi-gabi. Si Sean din daw ang lalaking pinakamalapit sa kanya ngayon.

“Opo, everyday po text bago matulog. Opo, si Sean lang po,” pagtatapat pa niya.

AJ Raval umamin na tungkol kay Sean de Guzman: ‘Everyday text po bago matulog’
Sean de Guzman and AJ Raval

Si AJ ang isa sa leading ladies ni Andrew E sa Shoot! Shoot!. Ang isa pang kapareha ng rapper/comedian sa pelikula ay ang seksing vlogger na si Sunshine Guimary.

Hindi ba nahirapang mag-comedy si AJ sa latest film niya kasama si Andrew E?

“Sa totoo lang po mas hirap ako sa pagpapa-sexy kasi hindi naman ako ganito talaga sa personal.  Ginagawa ko lang naman ito para sa pelikula. Sa pagpapatawa po madali kasi maloko naman talaga ang sa totoong buhay,” kaswal niyang pahayag.

Ipapalabas sa Vivmax ang Shoot! Shoot! simula  October 8.  The movie is directed by Al Tantay.