AJ Raval, nanindigan na hindi siya ang third party sa hiwalayang Aljur-Kylie

NANINDIGAN ang paboritong sexy actress ng Vivamax na si AJ Raval na wala siyang kinalaman sa controversial split up ng mag-asawang sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ito ang kanyang sinabi matapos niyang aminin sa publiko na nasa ‘getting to know’ stage sila ng hunk actor at naispatan na ka-holding hands niya sa isang mall.

AJ Raval, nanindigan na hindi siya ang third party sa hiwalayang Aljur-Kylie
Aljur Abrenica and Kylie Padilla | AJ Raval

Noong Biyernes ay nagpost ang dalagang anak ni Jeric Raval sa kanyang official Facebook page dahil na rin sa dami ng batikos na kanyang natatanggap.

“Just to be clear, hindi ako ang naging third party. Okay guys?”  sulat nito one week after admitting na she and Aljur ‘care for each other’. Sabi rin niya, hindi pa raw sila opisyal na magkasintahan kahit pa may sightings na HHWW silang dalawa ng co-star niya sa Nerisa.

Dagdag pa niya sa statement niya noong Friday: “Mabuti akong tao at hindi ko kayang gumawa ng masama, kung maka bash naman kayo parang nakapatay ako ng tao.

“Thank you sa mga nakakaintindi at sa support na natatanggap ko na appreciate ko kayong lahat. Spread love not hate.”

Kay Kylie Padilla na rin mismo nanggaling na wala na raw isyu kung sakaling makipagdate siya o si Aljur sa ibang tao. Nasa proseso na sila ng pagmu-move on, kahit na legally ay mag-asawa pa rin sila.

“We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left.” sambit pa ni Kylie Padilla.

AJ Raval, nanindigan na hindi siya ang third party sa hiwalayang Aljur-Kylie
AJ Raval and Aljur Abrenica

Siguro, hindi lang matanggap ng publiko na sa hiwalayan din nauwi ang pagsasama nina Aljur at Kylie, na openbook sa fans kung ano ang mga pinagdaanan ni Kylie na naantala ang pag-usbong ng showbiz career sa gitna ng pag-arangkada sana ng Encantadia.

As for AJ, marami ang nanghihinayang dahil halata naman na siya ang paborito ng Vivamax ngayon, na halos every month ay may bagong nilalabasang pelikula. Nakakahinayang kung isang lalaki ang makakasira ng maganda sanang umpisa ng kanyang showbiz career. Sa dami ng sexy starlets ng Viva, siya ang laging binibigyan ng lead roles, huh! Iha, mag-isip ka! Napakabata mo pa!

 

Previous articleThings You Didn’t Know About Kelvin Miranda
Next articleKelvin Miranda at Mikee Quintos balik-tambalan sa ‘Promises to Keep’ ng Regal Studio Presents