AJ Raval nai-insecure dahil sa kanyang balat, pero deadma lang sa mga body shamer

Leo Bukas

WALA nang violent reactions ngayon si Jeric Raval sa pagpapaseksi sa pelikula ng anak niyang si AJ Raval. Ayon sa kuwento ng dalaga, tanggap na ng ama ang pagpapaseksi niya sa pelikula na inalmahan nito nung nagsisimula pa lang siya bilang artista sa Viva Films.

“Tinanggap na nila na nagpapaseksi ako, lalo na po yung tatay ko. Alam ko na naiintindihan niya dahil artista rin siya. Ang lagi lang nilang sinasabi sa akin ngayon, magpakabait at galingan ko ang acting,” kuwento ng anak ni Jeric.

AJ Raval nai-insecure dahil sa kanyang balat, pero deadma lang sa mga body shamer
AJ RAVAL

Kasama ni AJ sa Taya na idinirek ni Roman Perez Jr. ang Anak ng Macho Dancer lead actor na si Sean de Guzman na contract star na rin ng Viva.

Kahit tinaguriang bagong Pantasya ng Bayan, hindi itinago ni AJ na hanggang ngayon ay hindi raw maiwasang makaramdam pa rin siya ng insecurities dahil sa kanyang balat.

Pagtatapat niya, “Ang insecurity ko, yung balat ko. Kasi noong bata ako, malikot ako, palagi akong nadadapa, nahuhulog, nasusugatan. Nagkaroon ako ng maraming marks sa katawan.”

“Sa age ko po, dumaraan siguro lahat ng tao na makakaramdam ka ng insecurity hanggang sa matutunan mo na mahalin ang sarili mo. Siguro ganoon pa po ako. Nasa stage pa po ako na nai-insecure ako sa sarili ko. Pero inaaral ko po kung paano mahalin yung sarili,” sambit pa niya.

Ayon pa sa Taya lead star, nakaranas din siya ng body shaming dahil dito. Ang maganda lang, hindi siya nagpapaapekto dito.

“Sa totoo lang po, wala naman akong pakialam sa kanila kasi masaya naman po ako sa ginagawa ko,” rason ng dalaga.

AJ Raval nai-insecure dahil sa kanyang balat, pero deadma lang sa mga body shamer
AJ RAVAL

Dugtong niya, “Saka sa body shaming, never ako nag-body shame. Alam ko pong tingnan yung mga babae. For me, wala lang kung may stretch marks, kung may dark areas sila. Ganun po ako mag-isip.

“Hindi ko po inilalagay ang sarili ko sa bashers. Unang-una, wala silang bilang sa ginagawa ko. Imbes na pansinin ko sila, magpo-focus na lang ako sa mga tao na nagmamahal sa akin.”

Mapapanood ang Taya sa Ktx.Ph, iWantTFC, TFC IPTV at sa Vivamax simula August 27, 2021.