AJ Raval nagkamali sa tinayaang boyfriend na nalulong sa sugal

Leo Bukas

INAMIN ni AJ Raval na naka-relate siya sa kuwento ng pelikulang Taya na streaming na ngayon sa Vivamax  na tungkol sa online gambling. Nagkaroon daw kasi siya ng ex boyfriend na nalulong sa sugal kaya alam niya ang ganitong feeling.

Ang nakakalungkot pa, dumating daw sa point na siya pa mismo ang nagbabayad ng utang ng dating boyfriend.

AJ Raval nagkamali sa tinayaang boyfriend na nalulong sa sugal
AJ RAVAL

“Hindi po ako marunong magsugal pero meron akong naging boyfriend na nagsusugal, hanggang sa ako yung na-stress magbayad sa mga utang niya. Parang gusto kong isampal sa kanya itong movie na ‘to para matuto siya.

“Dahil po sa sugal, nagkabaon-baon siya sa utang. Ako yung na-stress na magbayad. Parang gusto kong ipapanood sa kanya itong Taya para matutunan niya na lahat nang sobra, masama,” kuwento ni AJ.

Mahal daw niya ang kasintahan kaya binabayaran niya ang mga utang nito noon.

“Mahal ko, eh,  ayaw ko po siyang mahirapan. Pero nagising din naman po ako na hindi po pala tama yon,” realization ni AJ.

Sinisiguro din ng dalaga na hindi na siya mai-in love sa lalaking adik sa sugal.

“Basta hindi po nagsusugal at responsible okey sa akin,” saad pa niya.

AJ Raval nagkamali sa tinayaang boyfriend na nalulong sa sugal
Sean de Guzman and AJ Raval

Ang leading man niya kayang si Sean de Guzman ang posibleng maging susunod niyang boyfriend?

“Kung ready po ako, why not po. Pero kung si Sean po kasi, ayoko pong masira yung friendship namin if ever. Iba po kasi yung samahan namin, eh,” rason ng dalaga.

Samantala, si Sean ang isa sa mga tinawagan ni AJ nung nag-break na sila ng boyfriend na si Axel Torres.

Dubbed as “pinaka-sugapang pelikula ng taon,” Taya is directed by Roman Perez Jr.

Previous articleCALL FOR AUDITIONS for DRAG DEN PHILIPPINES!
Next articleVLOG WATCH: Fast Talk with 69+1 stars Maui Taylor, Janno Gibbs and Rose Van Ginkel! (Rawr!)