AJ Raval magpapahinga muna sa sexy roles

Leo Bukas

INIHAYAG ni AJ Raval sa virtual conference ng pelikulang Kaliwaan na hihinto na muna siya sa pagtangap ng mga sexy roles sa pelikula dahil babalik siya sa pag-aaral. Ito raw ang dahilan kung bakit hindi na niya tinanggap ang remake ng controversial film na Scorpio Nights.

“Grateful po ako na para sa akin ang Scorpio Nights kasi nag-i-start pa lang ako sa Viva, yon na rin po ang pinag-uusapan, Scorpio Nights. Pero parang magla-lie low po muna ako sa pagpapaseksi. Mag-aaral din muna po ako,” katwiran ng sexy star.

AJ Raval magpapahinga muna sa sexy roles
AJ Raval

Pero kung mas nagawa raw nang mas maaga ang Scorpio Nights ay okey lang naman sa kanya.

“Yung Scorpio Nights, kung nagawa po siya ng earlier like this month, April, siguro sa akin pa rin po siya. Magagawa ko pa rin siya. Pero parang may goal ako this year, eh. Like, kunwari po, June po, pasukan, plan ko po is mag-enroll ako this year.

“Malungkot din po ako na isa po yung Scorpio Nights sa pagsa-sacrifice ko dahil may plans ako this year katulad po ng pag-aaral ko,” dagdag niyang paliwanag.

Idinagdag din ni AJ na kung magpapaseksi siya sa mga gagawing pelikula dapat daw ay meron itong katuturan. Gusto na rin daw niyang gumawa ng action movie. Si AJ ay anak ng dating action star na si Jeric Raval.

Ani AJ, “Nagbabawas na rin po ako sa pagpapaseksi. Napag-usapan na rin po namin ito ng manager ko, ng Viva actually. Gusto ko po talaga mag-action. Gusto ko rin po na makuha yung dream ko na mag-action.”

Hindi naman binanggit ni AJ kun anong kurso ang kukunin niya sa college at kung saang school siya mag-aaral.

“Ayoko po munang i-public kung saan po ako mag-aaral at saka yung course na pag-aaralan ko po this year, pero mag-aaral po ako ngayon,” lahad niya.

Dugtong ni AJ, “Ang showbiz po, kung para sa akin naman po, puwede pa po akong bumalik. Hindi po mawawala sa akin. Pero yung pag-aaral, lumilipas po kasi yung panahon ko, eh. Habang bata pa po ako, habang may chance pa po ako na ituloy ang pag-aaral ko, which is gusto ko naman po at gusto ng parents ko and family, itutuloy ko yung pag-aaral ko.

“So, kung hindi po talaga para sa akin ang pag-aaral, malalaman ko rin naman po yun, babalik po ako sa showbiz.

“Hindi rin naman po ako mawawala sa showbiz, kaya din naman po pagsabayin. Parang bawas-bawas lang po ng work.”

AJ Raval magpapahinga muna sa sexy roles
AJ RAVAL

Samantala, siniguro naman ng dalaga na hindi ang Kaliwaan ang magiging huling sexy movie niya.

“Magpapaseksi pa rin ako, pero for now, parang magpapahinga din muna ako sa pagpapaseksi. Gusto ko rin po na magpaganda ng katawan. Gusto ko mag-work out para lalo akong maging mas confident sa pagpapaseksi,” giit pa niya.

Kasama ni AJ sa Kaliwaan na mapapanood sa Vivamax sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco at ang kapapanalo lang ng best actor sa Asian Film Festival na si Vince Rillon.

Previous articleEnzo Pineda inamin ang dahilan kung bakit loyal sa Kapamilya network
Next articleVLOG WATCH: Donnalyn Bartolome’s Kubo Mansion (so gara!!!)