AJ Raval ipapatanggal ang silicone implant na inilagay sa boobs

Leo Bukas

INAMIN ng sexy star na si AJ Raval na nagkaroon siya ng breast augmentation bago siya magsimulang gumawa ng mga sexy films sa Viva Films na ipinapalabas naman sa Vivamax.  Katulad ng ibang sexy star, requirement na maituturing ang magpalaki o magpadagdag ng boobs kung ang ginagawa mong pelikula ay sexy.

Maraming artistang babae ang dumaan sa ganyang proseso including Maui Taylor na last year lang ipinatanggal ang silicone implant sa kanyang dibdib.

AJ Raval ipapatanggal ang silicone implant na inilagay sa boobs
AJ RAVAL

“Siguro sasabihin ko na dito. Kasi last year nagpa-enhance ako ng boobs. Ayokong magsinungaling kasi natanong na sa akin, eh. Pero plano ko na ipatanggal ito next year,” pagtatapat ng dalaga sa virtual presscon ng kanyang latest movie na Crush Kong Curly kasama si Wilbert Ross.

Ayon pa kay AJ, gusto raw niyang maging malaya kaya ipapatanggal na niya ang foreign object na inilagay sa boobs niya.

“Siguro gusto ko magkaroon ng freedom sa sarili ko. Before kasi, hindi naman talaga ako na-co-conscious sa boobs ko. Pero ever since na pinalagay, dun ako nag-start ma-conscious. So planning ako next year na ipatanggal,” sabi pa niya.

Nagsimulang pagpantasyahan si AJ ng mga kalalakihan nang gawin niya ang mga pelikulang Taya, Nerisa, Shoot Shoot! at  Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar. Sabi pa ni AJ okey lang naman kung sex object ang tingin sa kanya ng mga lalaki.

“Natutuwa ako na na-a-appreciate ako ng ibang tao kahit may mga hindi natutuwa, nandiyan pa rin yung mga sumusuporta sa akin,” she said during the Crush Kong Curly mediacon.

Samantala, ipapalabas ang romantic sexy comedy film na Crush Kong Curly na idinirek ni GB Sampedro sa Vivamax on December 17.

Previous articleChie Filomeno inaming crush ang datin kasamahan sa PBB na si Kyle Echarri
Next articleAngeline Quinto kumpirmadong 5 buwang buntis