AJ Raval, ibinandera ang kanyang flat tummy

MAHIGIT isang buwan na rin usap-usapan ng mga marites na kaya raw pansamantalang titigil muna sa paggawa ng sexy films si AJ Raval ay dahil buntis diumano ito. Lumabas ang tsika nang tanggihan ni AJ ang pagbida sa remake ng iconic erotic thriller ng Pilipinas na ‘Scorpio Nights 3’. Ang newbie sexy actress na si Christine Bermas ang pumalit sa kanya.

AJ Raval, ibinandera ang kanyang flat tummy
AJ RAVAL

Nauna nang itanggi ng kanyang manager na si Jojo Veloso ang tsismis at sinabing nagshu-shoot ngayon si AJ ng action movie na may working title na ‘Sitio Diablo’ kung saan katambal ng aktres si Kiko Estrada. Kung totoo diumano ang tsika, hindi magagawa ni AJ ang mga action scenes and stunts. Alam din naman natin lahat na si Jeric Raval ang ama ng dalaga kaya naman given na hindi basta-basta magpapadobol ang dalaga sa kanyang malulupit na eksena sa upcoming action movie.

Lumakas din ang usap-usapan dahil hanggang ngayon ay nililink pa rin si AJ sa hunk actor na si Aljur Abrenica.

Tila indirect denial ang ginawa ni AJ na pagpopost ng kanyang newest photos sa kanyang IG account kung saan kitang-kita na flat ang kanyang tummy. Hindi natin maikakaila na si AJ Raval ang isa sa hottest sexy stars ng Vivamax at nakakapanghinayang naman kung sasayangin niya ang mga opportunities na ibinibigay sa kanya.

On the other hand, masaya din kami na mukhang unti-unti na rin lumilihis ang career path ni AJ. Sana ay mas subtle na ang mga sexy scenes na gagawin niya at mas bet namin makita siya in grand action scenes.

Previous articleVLOG WATCH: Ivana Alawi pranks her ‘A Family Affair’ leading men (may napikon?!)
Next articleKyle Echarri sa kapatid na si Bella: ‘She’s always been the center of my life’