AJ Raval dalaga na nang malamang 18 pala silang magkakapatid sa amang si Jeric Raval

Leo Bukas

IKINAGULAT ni AJ Raval sa simula na 18 pala silang magkakapatid sa amang si Jeric Raval. Pero ayon sa dating action star ay hindi naman daw niya pinabayaan bilang ama ang 18 niyang anak sa iba’t ibang babae.

Kuwento ni AJ, siya raw ay lumaki sa poder ng tatay niya kasama ang partner nitong si Holiday na ang akala niya noon ay  tunay niyang ina.

AJ Raval dalaga na nang malamang 18 pala silang magkakapatid sa amang si Jeric Raval
Jeric and AJ Raval

“Noon pong baby po ako ang alam ko po lima lang po kami. Kasi po lumaki po ako sa tatay ko, sa wife po n’ya, so alam ko po, kami ng mga kapatid ko na kami lang po yung family ng tatay ko.

“Pero nung tumatanda na kami nakikilala po namin yong isat isa, kaming 18 na magkakapatid,” kuwento ni AJ na kasama sa pelikulang Nerisa na pagbibidahan ni Cindy Miranda.

Ang buong akala raw nila noon ay mga pinsan lang ang kanilang nakakalaro. Magkaganun man hindi naman daw siya natanim ng sama ng loob sa ama.

Ani AJ, “Hindi naman po kami nagtatamin ng sama ng loob. Naiintindihan naman po namin. Naalala ko po yung iba ko pong kapatid kalaro ko nung bata po ako pero nung bata po ako ang tingin ko po sa kanila pinsan, kaibigan. Ganu’n po,” pagre-recall pa ng dalaga.

Si AJ ay anak ni Jeric sa dating sexy actress na si Alyssa Alvarez kung saan meron siyang apat na kapatid.

AJ Raval dalaga na nang malamang 18 pala silang magkakapatid sa amang si Jeric Raval
AJ Raval

Palibhasa’y sa poder ni Jeric at ng kanyang step mom na si Holiday lumaki si AJ kaya hindi naiwasang magkaroon sila ng  gap ng kanyang biological mom.

“Nung una po medyo magulo po. May mga hindi po kami pagkakaintindihan dahil po magkaiba ng environment na kinalakihan ko sa mother ko po. Maraming hindi pagkakaintindihan nu’ng una pero bumawi naman po sa akin ng nanay ko,” sabi pa niya.

Hanggang ngayon ay tatay pa rin ang tawag ni AJ sa ama.

“Parang ayaw po n’yang tinatawag namin siyang daddy. Naartehan po siya sa amin pag ganu’n. Gusto niya lang daw po ay tatay,” rason daw ng kanilang ama sa kanila.

Previous articlePelikula nina Kim Molina at Jerald Napoles hindi intensyong laitin ang mga PWD
Next articleEly Buendia on former Eraserheads bandmates: ‘We were never friends. That’s why we broke up’