AJ Raval at Sean de Guzman walang pakialam kahit magkakitaan ng private parts sa intimate scene

Leo Bukas

HABANG magkasama sina AJ Raval at Sean de Guzman noong Pasko ay pinag-usapan daw nilang dalawa ang tungkol sa kani-kanilang plano sa career at kabilang na raw dito ang ma-recognize sila bilang mahuhusay na aktor.

Kuwento ni AJ, “Nag-usap kaming dalawa na gusto naman naming ma-recognize na magaling kaming umarte, hindi lang sa pagpapaseksi. Napag-usapan din namin ito bago kami nag-shoot ng Hugas so nag-prepare po kami talaga.”

AJ Raval at Sean de Guzman walang pakialam kahit magkakitaan ng private parts sa intimate scene
AJ Raval and Sean De Guzman

Ang Hugas na idinirek ni Roman Perez Jr. ang ikatlong pelikula na pinagsamahan nina AJ at Sean. Una silang nagtambal noon sa pelikulang Nerisa na nasundan naman ng Taya.

Aminado naman si Sean na hindi na sila nagkakailangan pa ni AJ sa tuwing meron silang love scenes o mga intimate na eksena sa Hugas.

Ani Sean, “Hindi na kami naiilang talaga. Wala na talagang ilang. Kung magkakitaan man kami ng kung anu-anong parte ng katawan namin, wala na kaming pakialam. Pero maganda naman yung kinalabasan ng lahat.

“Hindi na po kami nagkakahiyaan. Nagkakakitaan, oo. Pero nagkakahiyaan, hindi. Yung na-build naming friendship, kahit sa labas o sa likod ng kamera, sobrang solid namin ni AJ.”

Pinatotohanan din ito ni AJ nang sabihing, “Sa mga love scene namin, gaya ng sinabi niya, sobrang comfortable na kami sa isa’t isa. Hindi na kami nagkakahiyaan. So, lalong naging mas deep yung bonding namin, yung samahan namin.

“So, nung ginawa namin yung mga love scene, parang nandoon talaga yung love. Makikita niyo talaga yung love sa love scenes.”

Iginiit din ng dalaga na kahit super close sila ni Sean ay friends pa rin daw ang level ng kanilang relasyon hanggang ngayon.

“Yung mga secret, alam po namin yung mga secret namin sa isa’t isa. Mga problema, napag-uusapan namin. Kino-comfort po namin yung isa’t isa, pero friends lang po talaga kami,” sabi pa niya.