AJ Raval, Angeli Khang at Jela Cuenca binansagang Viva Maximum Crush

Leo Bukas

May bagong pinanggigigilan ngayon at pinagapantasyahan sa social media ang mga kalalakihan. Sila ay ang female group ng Viva na tinawag na Viva Maximum Crush o VMC.  Ang grupo ay binubuo nina AJ Raval, Angeli Khang at Jela Cuenca na nagkasama sa erotic thriller film na Taya directed by Roman Perez Jr. na pinagbibidahan din ni Sean de Guzman.

Sa pelikulang Taya ay sina AJ, Jela at Angela ang mga hot at sexy prizes na puwedeng mapanalunan sa basketball online ending game.

AJ Raval, Angeli Khang at Jela Cuenca binansagang Viva Maximum Crush
Viva Maximum Crush Angeli Khang, Gela Cuenca and AJ Raval

Jela, who signed up with Viva in March 2021, admitted that she was surprised to have such a bold role as her first movie project ever. Dream talaga ni Jela na makapasok sa showbiz kaya nagsimula siya sa modeling gigs, pageants hanggang ma-discover sa isang photo shoot.

Isa namang half-Korean beauty si Angeli na nagsimula bilang cosplayer at modelo bago naging Viva artist. She describes her self as, “confident, friendly, seductive and goal-oriented.”

AJ Raval, Angeli Khang at Jela Cuenca binansagang Viva Maximum Crush
Viva Maximum Crush

Bukod sa pagiging anak ng action star na si Jeric Raval ay nakilala naman si AJ sa mga pelikulang  Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar na nasundan ng Death of A Girlfriend, Nerisa at Taya.

When asked about her reaction sa tawag sa kanya na bagong Pantasya Ng Bayan, ani AJ, “Hindi ko naman po nafi-feel na ako ang fantasy ng bayan. Trabaho lang naman lahat itong ginagawa ko.”

“Honestly, I joined showbiz to become an action star, just like my father. But life has a different path for me, and so far, everything is doing fine,” dagdag pa ni AJ who is also a singer.

Ayon sa tatlo, malaking karangalan na bansagan silang Viva Maximum Crush kaya gagawin nila ang lahat para hindi mabalewala ang pagtitiwalang ibinigay sa kanila.

“Sa panahon po natin ngayon, ang daming nagpapaseksi kahit sa Instagram, TikTok for likes, pero hindi sila katulad naming nagpapaseksi dahil nagwo-work po kami. Naa-appreciate naman po ng mga tao yung ginagawa namin dahil ginagalingan naman namin,” pagmamalaki ni AJ sa tanong kung ano ang pinagkaiba nila sa ibang female group sa social media.