AJ Ocampo, magpapakitang-gilas sa launching movie

AJ-OcampoPANAHON NGAYON ng aspiring child actors at actresses para pumaimbulog ang kanilang movie careers. Patunay rito ang pagsikat ng nakatutuwa at napaka-cute na si Alonzo Muhlach, anak ng dating child wonder na si Niño Muhlach, na nakuha ang puso at kiliti ng mga manonood sa nakaraang Metro Manila Film Festival, kung saan nakasama siya ni Vic ‘Bossing’ Sotto sa top-grossing movie na “My Big Bossing”.

Isa sa masasabing natural talent ang baguhan pero napakahusay na batang artista, bukod pa sa pagiging very charming at endearing, na si Alaina Jezl Ocampo, AJ for short. Seven years old pa lang si AJ, pero napatunayan niyang karapat-dapat siyang maging bituin sa pinilakang tabing. Napakahusay niya sa acting, singing, at dancing especially ng ballet. Produkto siya ng Neophytes Talent Center, kung saan siya kumuha ng acting lessons at nag-attend ng acting workshops.

Kasalukuyang nasa Grade One si AJ sa Pater Noster Montessori School sa Tagaytay City. Very proud ang kanyang parents na sina Alona Barbuco at Jessie Ocampo dahil nasa top ten si AJ sa kanyang klase, bukod pa sa maaga rin siyang nagkahilig sa sports. Magaling din si AJ sa mga wikang English at Filipino. Ipinagmamalaki rin si AJ ng kanyang mga magulang sa pagiging mabait at magaling makisama sa mga kapwa bata.

Nang tanungin namin si AJ kung sino ang favorite niyang actress, mabilis ang kanyang sagot: “I like to be like Marian Rivera when I grow up, because she is so beautiful and is an excellent actress.”

Kinagigiliwan si AJ ng mga nakasama sa kanyang first-ever starrer na movie na 1 Day 1 Araw (I Saw Nakakita), maging ng mga kapwa aktor at aktres na sina Niño Muhlach, Lara Quigaman, John Regala, at Allen Dizon, pati na mga crew, lalung-lalo na ni Direk Dinky Doo.

“Nakapabait at masunurin iyang si AJ at walang ibinigay na problema sa aming pagsi-shoot ng mga eksena,” sabi ni Direk Dinky.

“Marunong makibagay at makitungo si AJ sa mga kasama niyang mga artista,” wika naman ni Niño.

Sabi naman ng batikang aktor na si John Regala, “Nakatutuwa talaga ‘yang si AJ. Kasi noong una, parang natatakot siya sa akin dahil sa aking karakter bilang kontrabida sa pelikula. Pero nang ipaliwanag ko na umaarte lang ako at mabait ako sa tunay na buhay, naging malapit na siya sa akin.”

All praises lahat kay AJ maging sina Lara Quigaman at Allen Dizon.

Malapit nang mapanood sa inyong paboritong sinehan ang pelikulang 1 Day 1 Araw (I Saw Nakakita) na pinagbibidahan ni AJ Ocampo. Kasama niya rito sina Niño Muhlach, Lara Quigaman, John Regala, Allen Dizon, Ritz Azul, Jake Fernando, at Nikka Sarki, at sa direksiyon ni Dinky Doo.

Ni Dani Flores

Previous articleVice Ganda, nawawalan na ng exposure sa noontime show?
Next articleRhian Ramos, game na game sa daring scene nila ni Piolo Pascual sa indie movie

No posts to display