AJ Ocampo, ilulunsad na sa pagiging bida

AJ-Ocampo AJ-Ocampo-Alonzo-MuhlachUSO NGAYON ang mga batang artista at kinakagat sila sa pelikula at telebisyon. Sa kalipunan ng mga batang aktor gumagawa na ng ingay ang anak ni Niño Muhlach na si Alonzo. Marami siyang pinasaya sa nakaraang Metro Manila Festival via My Little Bossing dahil sa pagiging bibo at matalino.

Sa kalipunan ng mga batang aktres ay ilulunsad na sa pagiging ganap na bituin si Alaina Jezl (AJ) Ocampo na puno rin ng talento. Sa edad na anim na taon ay magaling din itong umarte, kumanta at sumayaw lalo na ng ballet. Para mahasa pa sa tamang pag-arte ay kumukuha siya ng acting lessons at workshop sa Neophytes Talent Center.

Nasa preparatory level si AJ sa Pater Noster Montessori School sa Tagaytay City.

Mahilig ito sa sports sa murang edad, kung saan isa siyang team player. Ipinagmamalaki si AJ ng kanyang mga magulang na sina Alona Barbuco at Jessie Ocampo dahil disiplinado ang bata at marunong makisama sa kapwa bata. Magaling ito sa pagsasalita ng Ingles at Tagalog.

Nang tanungin kung sino ang paborito niyang artistang babae ay ito ang naging pahayag ng bata.

“Gusto ko po si Marian Rivera at paglaki ko gusto kong gayahin siya dahil maganda siya at magaling umarte.”

Ano naman ang feeling niya na baka makasama sa launching movie niya si Alonzo Muhlach?

“Naku gusto ko rin siya, dahil mabait siya at friendly. Sana nga po magkasama kami sa pelikulang gagawin ko para masaya kami sa set,” say ng bata.

Makakasama niya sa pelikulang 1 Day, Isang Araw sina Alonzo Muhlach, Nikka Sarki, Arci Muñoz, Allen Dizon, Ritz Azul, Bembol Rocco, Bonnel Balingit, Isko (Brod Pit) Salvador, Jenny Fajardo, Monsour del Rosario, Eric Fructuoso, Onyok Velasco, at Niño Muhlach, sa direksyon ni Dinky Doo.

Ni Emy Abuan