AJ Muhlach, ipapakita ang pinaghirapang katawan sa ‘Double Barrel’

ADVERTISING

AJ Muhlach, ipapakita ang pinaghirapang  katawan sa ‘Double Barrel’

AJ Muhlach, ipapakita ang pinaghirapang  katawan sa ‘Double Barrel’
AJ MUHLACH

AMINADO si AJ Muhlach na nahanap na niya sa action films ang genre na sa tingin niya ay bagay talaga sa kanya at mas komportable siyang gawin.

ADVERTISING

Si AJ kasama si Phoebe Walker ang bida sa Double Barrel: Sige Iputok Mo ng Viva Films na showing on Aug. 9. The movie is under the direction of Toto Natividad.

“Mas naging komportable po ako na gawin ang pelikula dahil na-enjoy ko po talaga yung action at dahil sa tiwalang ipinakita sa akin ni Direk Toto sa set.

“Tapos yung mga nakakita po ng mga shots ng pelikula namin, nai-impress po talaga sila kaya parang mas nagkaroon po ako ng fire na pagbutihin pa ang trabaho ko,” kuwento ni AJ sa amin.

ADVERTISING

May bahagi rin daw na nagpakita siya ng flesh sa pelikula especially sa love scene nila ni Phoebe Walker at sa eksenang tumatakbo siya sa bubong na briefs lang ang suot.

 “Sayang naman po yung winork-out ko. From sobrang taba ko na dati ay hiyang-hiya ako kahit magbihis sa harap ng tao, ngayon at least confident ako na maipakita na ang mga pinaghirapan ko,” sey pa niya.

Umaasa si AJ na ngayong nahanap na niya ang genre na gusto niya ay mas makikilala na siya ng mga tao.

“Sana ngayong nahanap ko na po yung genre ko, sana makilala po ako as an action star talaga, kasi talagang na-enjoy ko yung trabaho ko dito, eh,” sambit pa ng binata.

Kasama ni AJ at Phoebe sa Double Barrel: Sige Iputok Mo sina Jeric Raval at Ali Khatibi.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING