Aiza Seguerra, pinag-leave sa ASAP 20

ADVERTISING

Aiza Seguerra, pinag-leave sa ASAP 20

Aiza-SeguerraMASAMA BA ang loob ng mga taga-Kapamilya Network kay Aiza Seguerra nang magpaalam ito pansamantala at lilipat sa kabilang istasyon (Kapuso Network) sa pagsama niya sa cast ng bagong pang-morning show na Princess In Tthe Palace na magsisimula na sa Lunes, September 21, bago mag-Eat… Bulaga!?

ADVERTISING

Kung maaalala pa, si Aiza, tatak-Kapamilya mula nang sunud-sunod ang mga projects niya sa istayon. From ASAP na masasabing malaki ang pakinabang niya sa kanyang Sunday exposure para rumaket sa mga shows and concerts sa bansa and overseas hanggang sa morning serye na Be Careful With My Heart, ang akala ng marami ay solid Kapamilya Network si Aiza.

Pero may paliwanag ang singer-actor sa amin. “TAPE Inc. is my family,” pagmamalaki niya. Sabi niya, wala siyang balak umalis sa Kapamilya Network, lalo na sa Sunday show niya kung saan naging mga kaibigan na niya ang mga ka-grupo sa Sessionistas. Pero ang network mismo ang nagsabi sa kanya na mag-LOA (leave of absence) muna siya. Pero para kay Aiza, hindi or walang conflict sa ASAP 20 ang pagsama niya sa bagong morning show, kung saan bida si Ryzza Mae Dizon.

Ang huling bonding ni Aiza with her ASAP family ay noong nasa London sila. Maraming mga kaibigan si Aiza sa show. “I have friends sa kanila. Kumbaga, at the end of the day, it’s also work. I understand, no hard feelings, and I respect the decision.”

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING