Aiza Seguerra, nasaktan sa ginawa ng management ng Dos

ADVERTISING

Aiza Seguerra, nasaktan sa ginawa ng management ng Dos

Aiza-SeguerraHINDI NA muna mapanonood si Aiza Seguerra tuwing Linggo sa ASAP bilang bahagi ng ASAP Sessionista. Nag-leave of absence daw muna siya sa musical variety show ng ABS-CBN para sa bago niyang show sa TAPE Inc. na Princess in The Palace na magsisimulang ipalabas ngayong Lunes bago mag-Eat… Bulaga! sa GMA.

ADVERTISING

“Since, mag-i-start na po itong Princess in the Palace sa GMA, the management of ABS ask me to take a leave of absence,” pahayag pa niya.

Aminado si Aiza na na-hurt siya sa naging desisyon ng ABS-CBN management, pero tanggap daw naman niya ito.

“Well, siyempre, honestly I felt bad, kasi naging espesyal din sa akin ‘yung show. It’s just that, siyempre I also understand na may mga bagay na above sa amin, eh, above sa aming artists. So, siyempre, kailangan ko na lang intindihin.

ADVERTISING

“I’m just happy na kahit anong mangyari, alam ko na meron akong pamilya sa TAPE office na alam kong kahit anong mangyari, eh, nand’yan lang sila para sa akin.”

Samantala, bida rin sa Princess in the Palace sina Ryzza Mae Dizon at Eula Valdez na gumaganap bilang presidente ng Pilipinas.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING