Aiza Seguerra, nangakong bibigyan ng apo ang kanyang Mommy Caring

Aiza Seguerra, nangakong bibigyan ng apo ang kanyang Mommy Caring

Aiza-Seguerra-Mommy-CaringBONGGA PALA si Mommy Caring ni Aiza Seguerra! Umaasa pa rin siyang magkaroon ng apo mula sa anak niya.

Nangako raw kasi si Aiza na bibigyan talaga siya ng apo na hindi ampon, ha?

Hindi lang yata maisip ni Aiza na magpatsugi sa boylet para mabuntis.

May iba’t ibang proseso naman ngayon na puwede kang mabuntis.

Ang isa raw sa iniisip ni Mommy Caring ay baka gawing surrogate mother daw si Liza Diño.

Siyempre, bahagi na ng pamilya si Liza pagkatapos nilang magpakasal ni Aiza.

Ang gamit na nga raw na apelyido ni Liza ay Seguerra na!

Nu’ng na-interview ng Startalk ang ama ni Liza na si Chairman Martin Diño, sinasabi nitong close daw sila sa pamilya ni Aiza.

Lumalabas nga raw sila, kaya parang iisang pamilya na lang sila. Okay naman pala!

Ang hindi ko lang natanong sa kanila, meron kaya silang prenup agreement niyan?

Kasi wala namang same sex marriage dito kaya malamang wala silang ganu’ng agreement.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis