Aiza Seguerra, may malaking partisipasyon sa pagbubuntis ni Liza Diño

ADVERTISING

Aiza Seguerra, may malaking partisipasyon sa pagbubuntis ni Liza Diño

Aiza-Seguerra-Liza-DinoBECAUSE IT was Eat Bulaga that paved the way to Aiza Seguerra’s showbiz career—via Little Miss Philippines—usap-usapan sa mga umpukan ng Dabarkads ang pagpapakasal ng dating child wonder sa kanyang kasintahang si Liza Diño.

But more than their wedding—one to take place in the US at isa pa rito sa bansa—sentro ng diskusyon among the noontime program hosts ang planong pagbubuntis ni Liza courtesy siyempre of Aiza.

Kuwento ni Joey de Leon sa amin habang commercial break ng Startalk, “Nag-survey ako sa mga kasamahan kong babae sa Eat Bulaga. Tinanong ko sila if ever nasa iisang sitwasyon sila nina Aiza at Liza, ‘Importante ba sa inyo na malaman kung sino ang sperm donor n’yo?’ Sa lahat, medyo valid ‘yung isinagot ni Pia (Guanio). Sabi niya, mahalaga raw na malaman niya kung kaninong sperm cells ang ipinagbubuntis niya para ma-determine ‘yung genetics. Baka naman daw kasi may history ng malubhang sakit ‘yung sperm donor.”

But if Tito Joey had his way, kuwento pa niya sa amin, he strongly suggests ang semilyang dadalhin ni Liza sa kanyang sinapupunan ay mas magandang mula kay Paolo Ballesteros daw manggagaling.

ADVERTISING

“At least, kilala na nila ‘yung tao (Paulo), guwapo at alam mo kung ano’ng kalalabasan nu’ng magiging anak nila,” katwiran niya.

In simple medical terms, ang proseso ng pagdadalantao ni Liza shall be the union of her egg cells as well as Aiza’s na hahaluan ng semilya ng lalaki to achieve fertilization.

Kambyo ni Tito Joey, “Siyempre, ang sinumang willing sperm donor automatically becomes the father of the child. ‘Yun nga lang, wala ‘yung tinatawag na emotional attachment du’n sa bata.”

Samantala, mas mauunang magpalitan ng I do’s sina Aiza at Liza sa Amerika sa January 2015, kung saan mga kaibigan lang nila mula sa LGBT community ang inaasahang dadalo. September or October din next year ang kanilang kasal dito sa Pilipinas kung saan tatayong mini-bride ang anak ni Liza, isa sa mga ninong si Vic Sotto at aatenan ng kanilang respective parents.

Kung gaano kami kinilig noong mag-propose ng kasal si Aiza kay Liza in the middle of a stage play noon, mas na-excite kami sa kanilang pag-iisang-dibdib.

Kesa naman sa relasyon ng sisenta’y singko anyos na si Mommy Dionesia Pacquiao sa kuwarenta anyos na Michael something ang pangalan, ‘no! Parang gusto naming masuka!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING