Aiza Seguerra, may advice kay Charice

ADVERTISING

Aiza Seguerra, may advice kay Charice

Aiza Seguerra, may advice kay ChariceBILIB NA bilib naman ako sa isang kilalang aktres sa sobrang bait nito bilang kaibigan.

Ayon sa aming source, halos sa kanila na nakatira ang mga anak ng isang inactive actress. Doon na kumakain sa bahay nito ang mga bata.

ADVERTISING

 Lalo tuloy nadagdagan ang aming paghanga sa aktres na ito, dahil ilambeses na naming nakakausap, pero wala siyang binabanggit tungkol sa kanyang lihim na kabayanihan.

 “’Kala ko naman naikuwento na niya sa ‘yo, kadaldalan ko talaga! Hahaha!” nasambit na lang ng aming source.

Bukod sa friendship, dala na rin siguro ng awa kumbat parang halos kupkupin na ng aktres ang mga anak ng inactive actress, dahil ang alam namin, medyo kapos ang inactive actress, lalo pa’t nagkasakit at naospital ang kanyang asawa.

Hindi po ito blind item. Gusto lang naming i-share na noon pa namin nababalitaang isang good Samaritan ang aktres na ito, kaya naman bine-bless ni God sa mga kabayanihan nito.

 I’m sure, “SS” na lang ang nasambit ng inactive actress sa good Samaritan actress as in “Sobrang salamat!”

YES, SI Sylvia Sanchez lang naman ang dakilang ina ng humuhusay sa pagganap na si Arjo Atayde.

 Hahaha! Eh, pa’no kasi, an’daming nito lang nalaman na ang mahusay na character actress pala ang ina ni Arjo, kaya sabi nga namin, lalayo pa ba?

 Si Arjo ay si Rafael sa Dugong Buhay na napapanood pagkatapos ng My Little Juan weekdays.

 Napapanood nga namin si Arjo at ang husay na niya. Kami pa naman ang hindi marunong mang-echos when it comes to acting.

 ‘Pag nakukulangan kami talaga, lalo na ‘pag tsika namin ang artista, ipinaparating namin sa kanya.

 Hindi naman kami kagalingang artista, but we know one when we see one.

 Sabeeeh??!

SOMEBODY TOLD us na may ipinayo si Aiza Seguerra ke Charice na, “Sana, bago siya nag come out, inayos niya muna ang problema niya sa pamilya niya.”

 Kunsabagay, tama naman si Aiza – ‘yan ay kung ‘yan nga ang ipinayo niya, ha?

 Pero sabi nga namin, nandyan na ‘yan, eh. Mukha namang happier now than before ang drama ni Charice.

 After all, si Charice naman ang responsible sa lahat ng actions niya, so we guess, later on, magkakaayos din silang mag-ina.

 Ewan ko lang kung sa ASAP 18 ay magkatotoo ang wish namin na mag-duet sina Aiza at Charice mula sa ipinanalong awitin ni Aiza sa Himig Handog na pinamagatang “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa?”.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING