Aiza Seguerra at Liza Diño, parehong umiyak nang ikasal sa Amerika

Aiza Seguerra at Liza Diño, parehong umiyak nang ikasal sa Amerika

1 Aiza-Seguerra-Lliza-Dino 2 Aiza-Seguerra-Lliza-Dino 3 Aiza-Seguerra-Lliza-Dino 4 Aiza-Seguerra-Lliza-Dino 5 Aiza-Seguerra-Lliza-DinoNATUPAD NA rin ang pangarap ni Aiza Seguerra na ikasal sa pinakamamahal nitong aktres na si Liza Diño – noong December 8, 2014, sa Amerika.

Ginanap ang kasalan blues sa Stones and Flowers Retreat House, Sunny Patch Lane, California, USA at dinaluhan ito ng mga kamag-anakan at close friends ng couple na naninirahan na sa US.

Naka-white wedding gown ang bride na si Liza at tuxedo naman ang “groom” na si Aiza.

Ayon sa eyewitness source naming via Facebook, naglalakad pa lang si Liza patungong altar ay umiiyak na ito.  Lalo raw itong umiyak nung mismong vow ceremonies na, at “bumigay” na rin si Aiza.

Tatlong buwan raw plinano ang pagpapakasal, na ang officiating minister ay si Joe Stasi.

Principal Sponsors sina Mildred Deang, Rufina Tecson, Teresita Dino-Llamas, at Arturo Tayde.

Best Man si Gino Tecson at Maid of Honor naman si Regina Powers.

Kaaliw ang karatula sa entrance ng wedding venue: “Tara! Pasok! Simulan na natin ‘to nang makapag-honeymoon na kami! Love, Aiza and Liza”

Ang mga bagong kasal ay nagpasalamat sa pamamagitan ng mensaheng ito sa event programme:

“We are so awed by the amount of love we have been shown today. We can’t put into words how much it means that you are celebrating with us today.

“You have been a huge part of our story and we can’t wait to share the next chapter with you! Now, let’s all make some MEMORIES.” — All our love, Aiza and Liza

May anak din si Liza sa former boyfriend nito, si Amara Espinosa, at ito ang naging “mini bride” sa naturang kasalan.

“‘Yung speech nila sa reception made everyone cry,” kuwento ng aming source.

“They talked about the hardship of what they went through from all those who don’t believe in their love. And today, they are surrounded by people who love them.”

Wala ngang imposible pagdating sa pag-ibig. Love knows no gender, ika nga, kaya masayang-masaya ngayon sina Liza at Aiza dahil “legal” na mag-asawa na sila.

And yes, mabuhay ang bagong kasal!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

(Photos by Melissa Alviar and Will Fredo)