Aiza Seguerra at Liza Dino, may seremonya ng kasal sa Batangas

Aiza Seguerra at Liza Dino, may seremonya ng kasal sa Batangas

Aiza-Seguerra-Liza-DinoBUKAS NA pala ang seremonya ng kasal nina Aiza Seguerra at Liza Dino na gaganapin sa malayong resort ng San Juan, Batangas.

Iku-cover yata ng Startalk ‘yun kaya mapapanood n’yo ‘yan sa Sabado.

All-out daw ang suporta ng mga Dabarkads ng Eat… Bulaga! na magti-tape pa nga raw sila para sa episode nila bukas para makadalo silang lahat.

Isa raw sa ninong si Vic Sotto at nangako si Bossing na dadalo siya dahil anak-anakan talaga ang turing niya kay Aiza.

Hindi naman ito kasal talaga na legal dahil wala naman daw same-sex marriage dito sa atin. Pero may seremonya sila na parang kasal talaga. Dadaluhan ito ng buong pamilya at malalapit na kaibigan.

Personal na inaasikaso nina Aiza at Liza ang lahat ng detalye sa preparasyon kaya aligaga talaga sila.

Mula sa paggawa ng imbitasyon, pati ang mga signs papunta sa venue ay sila ang gumawa, at si Liza raw ang magluluto ng adobo na bale giveaways nila sa mga ninong at ninang, pati na rin yata sa ibang kasali sa entourage.

Proud na proud si Aiza sa adobo ni Liza, eh. Iba raw talaga ang adobo ng dyowa niya, kaya isi-share nila ‘yun sa mga guests nila.

Parang mag-asawa na talaga ang turingan nila, na si Aiza ang husband at si Liza ang wife. Dala na kasi ni Liza ang apelyido ni Aiza, eh. Kaya bongga na rin!

Abangan n’yo na lang sa Startalk ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis