Aiza Seguerra, galit na galit na bumuwelta sa nambastos kay Liza Diño

ADVERTISING

Aiza Seguerra, galit na galit na bumuwelta sa nambastos kay Liza Diño

Aiza Seguerra
Aiza Seguerra

Galit na galit ang Pambansang Tomboy na si Aiza Seguerra.

ADVERTISING

Binastos kasi ang dyowa niyang si Liza Diño sa social media.

Nag-react ang isang guy sa isang long message ni Liza.

“Pa finger ka na lang dai…para mana himik ka.”

ADVERTISING

‘Yan ang reaction ng guy kay Liza.

Ang Aiza, galit na galit siyempre. Who wouldn’t, eh, ang inamorata niya ang binastos, ‘no. Kaya naman  may resbak siya sa basher ng dyowa niya.

Ipinost ni Aiza sa kanyang Instagram account ang FB account ng guy with this caption:

“My wife wrote something on Facebook at as usual, kagaya ng ibang mga posts niya, na grab ito ng iba’t ibang news sites.

“Wala naman problemang magkakaiba tayo ng opinyon, Bryan Harris Richard (kung yan man ang totoo mong pangalan). Pero para bastusin mo ang asawa ko dahil hindi ka sangayon sa kanya, ipinapakita mo lang na wala kang pinagaralan at isa kang walang kwentang tao. Napakalakas ng loob ninyong mga bastos kayo. Dahil ano? Facebook lang? Akala niyo hindi namin mababasa? Iisa-isahin ko kayon nga bastos kayo ng makita ng lahat ng tao kung ano ang pinagsasabi ninyo sa aming mag-asawa.

“Magmula ngayon, ipopost ko lahat ng kabastusan na sinasabi ninyo tungkol sa amin. Pati picture niyo popost ko. Pati pangalan niyo. Iisa isahin ko kayo.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING