Aiza Seguerra, emosyunal sa pagbati sa kaarawan ni Liza Diño

ADVERTISING

Aiza Seguerra, emosyunal sa pagbati sa kaarawan ni Liza Diño

Aiza Seguerra & Liza Diño At The Holy Sepulchre
Aiza Seguerra & Liza Diño At The Holy Sepulchre

Sa wakas, natuloy na rin ang Holy Land vacay ni Mommy Caring (ina ni Aiza Seguerra) na matagal-tagal na rin namang na-delay.

ADVERTISING

Kaya nga nang magkaroon ng pagkakataon, hindi na talaga nagdalawang-isip si Aiza na isingit sa busy schedules niya ang bonding nila ni Mommy Caring na siyempre, kasama (actually sumunod na lang) si Liza Diño-Seguerra sa dalawa.

Kung tama ang bilang namin, last June 25 (Saturday) or yesterday June 26 (Sunday) was Liza’s birthday na nataon namang nasa Tel Aviv, Israel sila.

As expected naging emosyonal na naman si Aiza Seguerra ng kanyang pahayag at pagbati sa asawa.

ADVERTISING

Sa Facebook account ng singer-actor, aniya, “Ang hirap simulan nitong mensahe ko. Parang ang dami dami kong gustong sabihin. Punong puno ang puso ko ng pasasalamat dahil dumating ka sa buhay ko.”

Dugtong ni Aiza: “Nag-iba ang buhay ko mula noong dumating ka. Mga simpleng bagay nagiging espesyal dahil nandiyan ka. Mas masarap kumain kapag magkasabay tayo. Mas nagiging masayahin, bukas at mapang-unawa mula noong nagkasama tayo. Mas naging matapangi dahil alam kong nadiyan ka sa tabi ko. Mas naging mapag-mahal dahil wala kang ginawa kundi punuin ang puso ko ng pagmamahal.

“Lahat ng minamahal mo sa akin, ito ay dahil sa iyo. Ibinabalik ko lang dahil nag-uumapaw ang saya na binibigay mo sa araw araw.”

Isinulat din Aiza sa kanyang FB account ang mga katagang ito na sa tingin ko ay mga letra ng isang awitin ng singer-composer na lalagyan niya ng musika na alay niya kay Liza.

Ikaw ang aking lakas

Ang aking ligaya

Ang nagbibigay kulay sa aking mundo

Ang aking pinakamatalik na kaibigan

Ang aking hingahan kapag ang mundo’y mabigat

Ang dahilan ng aking pagbangon

Ang enerhiyang nagpapatakbo sa aking araw at gabi

Ang aking inspirasyon

Ang aking realidad at pantasya

Ang aking numero unong tagahanga at kritiko

Ang aking tagapagtanggol

Ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob

Ang aking kakwentuhan at ka-debate

Ang aking diyosa

Ang ngiti sa aking labi

Ang nagpapalaya sa aking kaluluwa

Ang katuwang ng aking puso

Ang buhay ng aking buhay

Ang aking walang hanggan.

“Maraming salamat sa Diyos at binigay ka niya sa akin at sa lahat ng mga nagmamahal sa iyo. Ikaw ay isang biyaya, mahal ko. Biyayang ipagpapasalamat at aalagaan ko habang ako’y nabubuhay. Happy birthday mahal kong asawa. Mahal na mahal kita,” pagtatapos ni Aiza.

Sa pagbabalik nina Aiza, Liza, at Mommy Caring sa Manila, aasiksuhin naman ni Liza ang promo ng kanyang indie film with Janice de Belen (she plays the role of a lesbian), kung saan naging kontrobersiyal ang kanilang lesbian love scene sa pelikula.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING