Aiza Seguerra at Liza Diño, nagbabakasyon sa Cambodia matapos mangampanya para kay Duterte

Aiza Seguerra at Liza Diño, nagbabakasyon sa Cambodia matapos mangampanya para kay Duterte

Aiza Seguerra and Liza Diño In Sie Reap, Cambodia

1 Aiza-Seguerra-Liza Dino
Aiza Seguerra and Liza Diño In Sie Reap, Cambodia

Matapos ang nakapapagod na kampanya at sa kanilang gawain at advocacy work, nag-break muna ang mag-asawang Aiza Seguerra at ` mula sa kanilang ginagawa lately.

Kung maalala pa, very hectic ang schedule ng dalawa simula sa isyu ng mga Lumad from Mindanao na nagsipaglikas sa kani-kanilang mga bahay at barangay dahil sa militarisasyon, na sinundan naman ng Kidapawan Massacre na aktibong-aktibo ang dalawa sa pagtulong sa mga biktima.

At ang pinakahuli ay ang pagtulong nila at pagsuporta sa kandidatura ni Davao Mayor Digong Duterte sa pagka-presidente na nagbunga naman ang kanilang paghihirap.

Sa kampanya ni Mayor Duterte na ngayon ay bagong presidente ng bansa na iluluklok pagkatapos ng termino ni PNoy sa June 30, sobrang abala ang dalawa na kung saan-saan sila sumasama para mag-perform nang libre para sa pinaniniwalaan nila.

Sa katunayan, sa huling hirit at sikad ng kampanya, nag-organiza pa sila ng artists and LGBT support concert  for Duterte sa Trinoma, kung saan maraming singers, artists, at mga tagasuporta ng bagong presidente ang dumalo.

Ngayon ay nasa Siem Riep, Cambodia ang dalawa for a little rest and recreation.

Dumating ang dalawa early morning kanina sa Siem Reap, kung saan in-explore naman nila ang Angkor Wat tulad sa picture na kasama ng kolum item na ito.

Sa pagbabalik nila mula sa kanilang bakasyon (2nd leg yata ito ng kanilang naudlot na honeymoon), back to the concert scene si Aiza Seguerra at si Liza Diño naman ay patuloy pa rin sa mga gawain niya tulad sa pag-arte sa pelikula at telebisyon.

Reyted K
By RK VillaCorta