Aiza sa pagpapalit ng name ni Charice: Congrats Jake!

ADVERTISING

Aiza sa pagpapalit ng name ni Charice: Congrats Jake!

Aiza sa pagpapalit ng name ni Charice: Congrats Jake!NAGBIGAY NG REAKSYON ang singer at partner ni Liza Dino na si Aiza Seguerra tungkol sa pagpapalit ng pangalan ng singer na si Charice Pempengco bilang Jake Zyrus na lalaking-laki ang dating.
 
Ginawa ni  Charice ang pagpapalit ng kanyang pangalan pagkatapos nilang maghiwalay ng girlfriend na si Alyssa Quijano.
 
Sa comment ng isang netizen, sinabi nito na bakit daw si Aiza na isa ring lesbian ay hindi naman nagpalit ng pangalan.
 
Ang sagot ni Aiza: “Hi, I’m not lesbian. I’m also a transman like Jake.”
 
Tungkol naman sa posibleng pagpapalit din niya ng name, sabi ni Aiza, “Change of name? Not now. But hindi malabong mangyari iyon sa future.”
 
Sinundan pa niya ito ng comment na, “Kung ang pangalan ay isa lamang hadlang sa pagpapalaya ng totoo mong pagkatao, wala akong nakikitang masama sa pagpalit nito.  #congratsjake.”
 
Samantala, bagong appoint na board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Aiza. Ire-represent ni Aiza ang National Youth Commission (NYC) sa board kung saan siya ang kasalukuyang chairman.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING