Airport Showbitz: Justin Timberlake, nasa Manila na!

DUMATING SA bansa ang sikat na pop idol na si Justin Timberlake kahapon ng umaga sakay ng Flight PR103 via Los Angeles. Magkakaroon ng concert sa Manila ang dating lead vocalist ng boyband na ‘N Sync sa March 27, na isang benefit concert para sa mga biktima ng bagyong Ondoy, kasama sina Jojo at Timbaland. Itinuturing na isang pop icon sa American Music industry at maging sa buong mundo, nagwagi na si JT ng 6 na Grammy Awards at 2 Emmy’s.

Photos by EDWIN M. LLOBRERA