Aiko Melendez, walang commitment sa nali-link na foreigner

ADVERTISING

Aiko Melendez, walang commitment sa nali-link na foreigner

Aiko-MelendezHINDI PALA true na committed itong si Aiko Melendez sa isang foreigner na na-link sa kanya. At nang makausap namin siya sa aming radio show sa Radyo Inquirer, nasabi niyang wala siyang boyfriend. Nakikipag-date lang daw siya pero walang label.

Wala na sa bokabularyo ni Aiko ang pagpasok sa pulitika.

“Hindi ako nag-file ng candidacy,” sagot niya.

“Gusto ko munang mag concentrate sa aking showbiz career,” aniya.

ADVERTISING

 

Atong-AsiloCong. Atong Asilo, umapir sa Star Awards for Music

 

BONGGA ANG naging 7th Star Awards for Music na ginanap sa Kia Theatre.

Bukod sa naging dagsa ang mga dumating na stars sa larangan ng musika ay na-meet na rin namin ang running for vice mayor ng Manila na si Congressman Atong Asilo at ang former Congressman and TV host Rodante Marcoleta of 1-SAGIP Party List.

Sabi nga, politicians meet the showbiz world.

Sana ay maging supporters sila sa problemang dinaranas sa showbiz.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING