Aiko Melendez, umiyak sa presscon ng bagong show

Aiko Melendez, umiyak sa presscon ng bagong show

Aiko-MelendezAT LEAST good vibes si Aiko Melendez. Hindi nega tulad ng mga dating nakapaligid sa mundo niya, reason why medyo nagkaroon ng bad press image ang aktres noon.

Kung noon ay may pagkapikon ang aktres, this time, keri na niyang ihandle ang mga sitwasyon. Kaya nga may maagang Pamasko siya sa current ng ex-boyfriend niya na si Mayor Patrick Meneses. Ngayong December na manganganak si Ara Mina kaya as a Christmas gift, mga prayers ang regalo niya kay Ara na magluluwal ng kanilang baby girl ni Patrick this December.

Almost five years na loveless si Aiko. Pero balita naman namin, may umaali-aligid na isang guwapo at machong lalaki sa kanyang ngayon. Non-showbiz ang bagong mangingibig ng aktres. Isang athlete. Hindi idinetalye ni Aiko kung anong sports.

Pero nilinaw niya na nothing serous ang sa kanila ng lalaki. “Nagkikita kami. We go out on date. Group date naman kasi kaya hindi mo masasabing seryoso na dahil hindi pa ganu’n ka-romantic,” sabi niya nang mabulungan namin siya sa pocket presscon ng bago niyang show na Give Love on Christmas (GLOC) kung saan sa “The Giver” episode, she plays ate sa mga kapatid niyang sina Dimples Romana at Carlo Aquino na halos sa kanyang mga balikat pasan-pasan niya ang problema ng kanilang pamilya, lalo na ang kanyang amang si Ernest played by Eddie Garcia na naging mapaghanap sa kalinga ng mga anak mula nang pumanaw ang asawa nito played by Alicia Alonzo.

Isang Pamaskong handog ng Kapamilya Network simula sa Lunes sa timeslot ng Be Careful With My Heart na magtatapos today.

Medyo matagal din palang nawala sa eksena si Aiko. Ngayon, sa pagbabalik niya, happy siya sa regalo ng Dreamscape Entertainment sa kanya (producer ng GLOC for ABS-CBN) dahil sa project niyang ito.

“Super thank you kay Sir Deo (Edrinal) because of this project. Hindi pa ako tapos sa work ko rito sa The Giver, may promise na siya sa akin na susunod na project,” masayang pagmamalaki ng aktres.

Sa panahon na concentrated siya sa kanyang family life bilang single mom nina Andre (anak niya kay Jomari Yllana) at Martina (anak naman niya kay Martin Jickain), na-focus ang buhay niya sa pagpapalaki sa mga bata.

“Mabait na bata si Andre, never niya akong binigyan ng sakit ng ulo. Isang sabi ko lang sa kanya, masunurin na bata. Si Martina, siya ang little Aiko. Alam n’yo na, may pagka-bratty,” kuwento niya.

Pagmamalaki ni Aiko, kahit nagkahiwalay, naging maganda ang relasyon niya sa kanyang mga ex-husband. Kapag may issue concerning Andre, and’yan si Jom na sumusuporta sa kanya.

“One time tinawagan ko siya (Jom) at nagsumbong ako dahil ‘yong anak niya, marunong nang mag-lock ng room niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang mag-lock. ‘Di ko alam kung ano ang ginagawa sa loob, na kahit ako hindi basta-basta nakakapasok, ‘di tulad nang dati.

“Even things na itinatanong ng anak na lalaki sa kanyang tatay, ako tinatanong na hindi ko alam kung papaano ko sasagutin. Siyempre, alam n’yo na kung ano ‘yong tinatanong ng anak ko na si Jom lang ang makakasagot. Usapang lalaki, ‘di ba?”

Pagmamalaki ni Aiko, si Jom cool dad. “Pero kapag kailangan ko siya para kay Andre, he’s always there. Kami ni Martin okey rin kami. Wala kaming problema kahit both of us have our own lives after we separated,” kuwento niya.

Sa pocket presscon and press preview ng first two episodes ng The Giver, nagkaroon ng throwback ang mga artista. Nagkaiyakan lalo pa’t ang theme ng episode nina Mr. Eddie at Aiko deals with a daughter’s relationship with his dad.

Aiko revealed na during the death of his dad Jimi Melendez, namatay itong tangan-tangan ang picture ng aktres na nakalagay sa dibdib niya habang pinapanood ang anak sa MMK (The Movie) sa Cinema One.

“Na-choke siya while watching me. Napatunayan ko kung gaano ako kamahal ng Papa Jimi ko na hanggang sa mamatay siya, ako ang kasama niya,” pagbabalik ala-ala niya na naging dahilan kung bakit napaiyak si Aiko during the presscon.

Reyted K
By RK VillaCorta