Aiko Melendez, umaasang ‘di matulad sa kanila ni Aga Muhlach ang romansang Kathryn Bernardo- Daniel Padilla

ADVERTISING

Aiko Melendez, umaasang ‘di matulad sa kanila ni Aga Muhlach ang romansang Kathryn Bernardo- Daniel Padilla

Aiko Melendez
Aiko Melendez

Napangiti ako sa statement ni Aiko Melendez sa Media Day ng pelikulang “Barcelona” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kamakailan.

Nag-throwback ang kaibigang Aiko sa dating “lovelife niya na naudlot noong sila pa ng aktor na si Aga Muhlach. Si Aga kasi ang first boyfriend ni Aiko.

“Nari-remind talaga ako ng Aiko-Aga days sa ‘May Minamahal’ (1983 movie nilang dalawa). Nakikita ko talaga ang sweetness nila at hindi natin sila masisisi kung may maramdaman sila na more than friendship as of now.”

Pagto-throwback pa ng aktres noong Martes na ‘yun, “‘Di ba, nagkaroon ako ng first boyfriend sa ‘May Minamahal’ sa katauhan ni Aga dahil in love din sina Monica at Carlito (na mga karakter nila sa pelikula) sa isa’t isa?

ADVERTISING

“Kaya naiintindihan ko ‘yung pinagdaraanan nina Kathryn at Daniel. Pero sana, huwag nang maudlot ‘yung sa kanila. Kasi sa amin (Aga), naudlot,” sabi ng aktres.

Panigurado ni Aiko na mabait si Daniel. Suwerte nga raw ang babaeng minamahal ng binata.

“Sabi ko anak ko (si Andrei), kung may idol siya, si Kuya Daniel niya ang gawin niyang peg. Si Daniel ang lalaki na kahit sinong babae ay ipagmamalaki ng girlfriend niya sa kanyang parents.”

Sa pelikulang “Barcelona”, Aiko plays mom of Kathryn na showing na sa September 14 nationwide.

“I love her so much. Ang bait ni Kathryn,” sabi ni Aiko.

As of presstime, nasa New York sina Kathryn at Daniel para sa ASAP New York show na magaganap sa September 3.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING