Aiko Melendez, suko kay Nora Aunor

ADVERTISING

Aiko Melendez, suko kay Nora Aunor

Aiko-MelendezTANGGAP NA agad ni Aiko Melendez sakaling ‘di man siya mag-win ng Cinemalaya Best Actress, kung ang makakalaban naman daw ay isang Nora Aunor. Dalawa lang kasi sina Nora at Aiko na maglalaban sa Directors Showcase category ng nasabing most-celebrated indie filmfest sa bansa na gaganapin from August 2-10 sa CCP Theaters and Ayala Cinemas.

Si Aiko ay nagbabalik-lead actress sa pelikula (after many years) via Asintado, directed by Louie Ignacio, samantalang si La Aunor ay bida ng Hustisya, directed by Joel Lamangan.

Lima lamang ang entries ng said category (seasoned directors) – at wala naming lead actress na characters sa tatlo pang entries na The Janitor (lead actors sina Dennis Trillo at Derek Ramsay), Hari Ng Tondo (lead actor si Robert Arevalo), at Kasal (Arnold Reyes and Oliver Aquino). Kung may female characters man sa tatlong huling nabanggit – like LJ Reyes sa The Janitor (bilang asawa ni Dennis), pang-support lamang ang mga ito.

Ang sampung entries naman ng New Breed category ang marami ang lead actresses, pero sa Directors Showcase ay it’s a toss lang between Nora vs. Aiko.

ADVERTISING

Sinu-shoot pa lang ni Aiko ang Asintado, nung malaman na niyang sila lang ni Nora ang posibleng maglaban for Best Actress, eh parang “sumuko” na siya sa husay ng Superstar.

“Maging co-nominee lang niya ay malaking bagay na sa akin,” sabi ni Aiko. “Makahilera mo lang ang Superstar, achievement na for me,” or words to that effect sa pag-chat namin few months back.

Pero, ‘wag rin daw papasiguro dahil come awards night ng Cinemalaya on August 10 sa CCP main theater, “ang bola ay bilog”, ‘ika nga, dahil ayon sa isang insider na nakapanood ng rushes ng Asintado, “May laban si Aiko!”

Kasama ni Aiko rito sina Gabby Eigenmann, Jake Vargas, Miggs Cuaderno, Rochelle Pangilinan, etc.

As for La Aunor sa Hustisya, ito ang isa sa kakaibang Nora na mapapanood sa big screen – panalo ang script ni Ricky Lee at ngayon lang uli makikita si Ate Guy sa isang matinding bida-contravida role.

Co-actors ni Nora sa Hustsiya sina Rocco Nacino, Rosanna Roces, ang nagbabalik na si Romnick Sarmenta, Sunshine Dizon, etc.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING