Aiko Melendez, sobrang personal kung siraan!

Aiko Melendez, sobrang personal kung siraan!

Aiko Melendez, sobrang personal kung siraan!OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na! Siyempre sino pa ba ang pagkakatiwalaan ng ating mga kaparazzi dahil to the maximum authority of chikka ang inyong yours truly.

Bonggang-bongga eksena na naman ito at very kontrobersyal, naku! Maloloka ka talaga, dahil nu’ng napo-programa ako yesterday, biglang may nag-text sa akin na mga fans, na itong eksena ni Pilar Mateo at Nora Aunor na talaga namang bago pa lang dumating sa Pilipinas ay siya ang ni-request ni Nora Aunor na makasama niya sa bahay. At ang nakakalunglot na story, tinanggal siya bilang kasama ni Nora sa bahay at hindi siya PRO, dahil hindi naman daw siya sinusuwelduhan at walang usapang ganu’n.

Kaya raw na kay Guy si Pilar ay dahil nasa US pa lang daw ito, sinabihan na raw siya ni Guy na samahan ito the whole time. Kaso, marami ang nagbago sa mga plano nila. Kaya ngayon, kumuha sila ng official publicist niya na si Jobert Sucaldito, at mahaba na ang naging istorya.

Ginamit pa raw si Lala Aunor, na tapos kamakailan ay pinaalis din. Ayon kay Pilar, hindi raw siya PRO ni Ate Guy noon pa man. Maski nu’ng nasa US pa raw ang Superstar, nagsusulat na siya tungkol kay Ate Guy, at ginagawa raw niya ‘yun ng walang bayad. Dahil more than     anything    daw     ito sa kanya,     at   kapamilya na nga rin.

Kaso nga ngayon, naiba na rin at baka wala na nga raw. ‘Pag sinabi raw kasing PRO, may katumbas na suweldo ‘yun. Eh, wala naman daw hinihinging kapalit si Pilar nu’ng nakasama niya ito.

At ang mga nakakalokang eksena, talagang sinabi ng nag-text sa akin na sabay pa raw silang nag-text ni John Rendez regarding sa sinulat ni Pilar. Ang nakakalokang chikka dito, buti pa raw si John, ma-runong magpasalamat, samantalang si Nora, hindi man lang daw nag-thank you. Naku, ha?!

Kaya lang kamakailan, may bali-balitang pinaalis siya ni Ate Guy, at ano naman kaya ang dahilan nito? Bakit may ganitong eksena?

Dahil sabi rin sa akin nu’ng nag-text na talaga namang number 1 fan din ni Ate Guy, na ang hindi raw close ni Ate Guy at may malaki siyang galit ay si Lucy Fermin. At paniguradong siya ang tinutukoy sa interview ni Boy Abunda na haharapin nito one of these days.

Naku, ‘te… dapat harapin na niya ‘yan, dahil nu’ng wala pa rito si Ate Guy, kung anu-ano ang mga sinasabi niyan tungkol sa tao, at mga negative issues pa. Pero nu’ng nandito na ay akala mo, napaka-totoo.

I’m sure, may mga tauhan ‘yan at patuloy pa rin ang paninira nila kay Ate Guy. Kaya kung ako sa mga nakakasama ni Nora Aunor, maging alert na kayo…

 

KAYA ‘ETO PA ang isang eksena para sa aking twin sister na si Aiko Melendez. Bakit kaya galit na galit itong si Lucy Fermin sa kanya, at talaga namang namemersonal kung siraan siya?

Kawawa naman ang aking twin sister at walang kamalay-malay. Nakakaloka!!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong sikat na TV host na politician na walang kamalay-malay na talaga namang ang pakakasalan niya ay badingerzi raw? Naku, ‘te… dapat maramdaman mo ‘yan. Baka pagsisihan mo pa ‘yan. Hahaha! Kaloka!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki  sa  inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpa-sabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding