Aiko Melendez, pahihirapan ang 3 young stars ng ‘Prima Donnas’

ADVERTISING

Aiko Melendez, pahihirapan ang 3 young stars ng 'Prima Donnas'

Aiko Melendez, pahihirapan ang 3 young stars ng 'Prima Donnas'
Aiko Melendez

MAY PANAHON na ulit ang aktres na si Aiko Melendez para gumawa ng teleserye. Back to work si Aiko sa bagong GMA-7 series na Prima Donnas na pinagbibidahan ng tatlong Kapuso young stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan and Sofia Pablo.

“It’s glad to be working again because acting has always been my passion naman talaga and first love. And I’m very thankful and blessed and grateful to GMA for giving me this project na timely, right after campaign, sila po ‘yung unang tumawag na gawin ko ‘tong soap na ‘to.

“Actually, ayoko pa po talagang magtrabaho. Ang sign na hiningi ko nu’n, sabi ko, pag pinayagan ako ng mga boss ng GMA na magbakasyon muna ako mula America and gusto pa nila akong hintayin, ibig sabihin, para sa akin,” bulalas ni Aiko.

Patuloy ng aktres, “Ang bait po ng GMA, pinagbakasyon po nila ako ng dalawang linggo. Sabi nila, “sige, take a break, hihintayin ka namin dahil gusto ka namin para dito” kaya nandito po ako. Salamat po sa inyong mga boss ko.”

ADVERTISING

Sa Prima Donnas ay ginagampanan ni Aiko ang papel ni Kendra Fajardo na siyang magpapahirap sa buhay sa karakter ng tatlong bidang young stars.

Ang Prima Donnas ay napapanood sa GMA Afternoon Prime mula sa direksyon ni Gina Alajar. Kasama rin sa serye sina Wendell Ramos, Glaiza de Castro, Katrina Halili, Benjie Paras, Elijah Alejo and Ms. Chanda Romero.

 
 
 
 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING