Aiko Melendez masama ang loob kay Candy Pangilinan

Leo Bukas

MASAMA pala ang loob ni Aiko Melendez sa kaibigang si Candy Pangilinan. Inamin ito ni Aiko sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz.

“Just to clear the air, ayokong i-pin point yong dahilan because I want to keep it private. But, para matapos na rin yong kaka-request nila ng collab naming apat (Carmina Villarroel and Geli de Belen), siguro in my future vlogs, you will see more of me with Carmina and Geli muna,” sabi ni Aiko.

Aiko Melendez masama ang loob kay Candy Pangilinan
Aiko Melendez and Candy Pangilinan

“So wala si Candy?” tanong ni Ogie.

“So yon na yon,” sagot naman ni Aiko.

Ayaw sabihin ni Aiko ang dahilan kung bakit sumama ang loob niya sa kaibigan.

“Siguro hindi ko na kailangang… Ako, bilang meron pa akong respeto na natitira para sa kanya, ayoko nang i-elaborate. Kasi matagal kaming naging magkaibigan and mahal ko yung taong ‘yon.

“Gusto ko munang iiwan sa kanya yong konting respeto na yon. Because nga iniisip ko pa rin, at the end of the day, na naging magkaibigan kami and meron naman s’yang magandang nagawa sa buhay ko. Kaya ayoko siyang siraan, ayoko siyang i-bad mouth. Basta ang pinaka-safe na masasabi ko hindi kami okay ngayon,” deklara pa ng aktres.

Iginiit din ni Aiko na hindi sa kanya nagsimula ang lahat kung bakit ngayon ay may samaan sila ng loob.

Katwiran niya, “I guess, I wouldn’t be this confident in saying or not elaborating ‘yong nangyari sa amin kung ako ‘yong may na-agrabyadong tao. But ayaw ko ngang magalit ang mga tao kay… Hindi ko mabanggit ang pangalan n’ya, ‘di ba? Kasi masama pa ang loob ko sa kanya.

“Ayoko magalit ang mga tao sa kanya. Pero sana lang, ma-realize n’ya ngayong 2021 na nakasakit s’ya ng kaibigan n’ya — ‘yong kaibigan n’ya na sana panghinayangan n’ya kasi pinaglaban s’ya n’yan all these years.”