Aiko Melendez, made to look bad over ex-boyfriend Patrick Meneses?

ADVERTISING

Aiko Melendez, made to look bad over ex-boyfriend Patrick Meneses?

Aiko Melendez, made to look bad over ex-boyfriend Patrick Meneses?OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na now na! Heto na naman ang mga intrigang pasasabugin natin. Simulan na natin at ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa, dahil ito ang lumabas sa mga fanpage na talagang walang nagtitiwala sa dalawang ito sa Hall of Shame Awards (Official/ Partial Results) from Philippine TV Ratings Fanpage; Most Plastic Celebrity – Cristy Fermin (TV5) [693 votes]; Most Fated/ Disliked Celebrity – Willie Revillame (TV5) [1,113 votes].

ADVERTISING

Maloloka ka talaga sa Earth dito, ‘di ba? Kaya walang nagtitiwala sa mga ito, dahil may mga ganito palang botohan. Buti na lang talaga, natuto akong gumamit ng computer at marami tayong nalalaman at dumarami ang ating source na talagang gusto nilang mawasak ang mga ito, o para malaman ng mga tao na talaga namang walang nagtitiwala sa kanila… Kaya naman kung ako sa kanila, ‘wag na silang mag-feeling na maraming sumusuporta sa kanila… ang taray, ‘di ba?

‘DI BA NAKAKALOKA at ayaw niyang tigilan ang aking twin sister kasi nga nagulantang ang lahat noong nakaraang Linggo sa interview sa dating dyowa ni Aiko Melendez na si Mayor Patrick Meneses.

Bakit ang mga lumalabas ay si Aiko pa ang masama at siya talaga ang may dahilan kung bakit sila naghiwalay? At siya pa raw ang naninira.

ADVERTISING

Hindi nga ako mapakali at tinext ko ang aking twin sister, kung ano ang masasabi niya sa isyung ito. Ang sagot lang sakin ni Aiko, hindi pa raw siya ready na mag-comment, hindi pa raw talaga siya ready. Mas gugustuhin nga raw muna niyang manahimik.

‘Di ba, nakakaloka ang mga intrigang ito? Ayaw tantanan… kung sino pa ‘yung nananahimik eh, ‘yun pa ang bonggang iintrigahin… hahaha! Pati ang pagkatalo ni Aiko Melendez noong nakaraang eleksiyon ay pilit na iniintriga.

Hirap nga naman… when money talks, everybody listen.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong beauty queen na ‘to, na nakakawindang talaga ang kanyang skin?

Akala mo, kung sa TV ay magandang-maganda ang kinalabasan, ‘yun pala, hirap na hirap ang kanyang stylist! Naku, huh! ‘Di maganda ‘yan…

At heto pa, may kaitiman din daw kasi ang kanyang underarms. Talagang maitim at may something pa… ano ba naman ‘yan?!

Marami ka nang ini-endorse na mga produkto eh, ipaayos mo na rin ang mga dapat mong ipaayos. Kaso ang gusto ng lola mo ay natural beauty lang, hahaha! Ikaw na ang winner!

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING